Si Michael Phelps ay isang atletang kilala sa larangan ng paglangoy. Siya ay nagkamit ng dalawangput dalawang gintong medalya, labing isang pilak at tatlong tanso. Tinalo niya ang iba pang mahuhusay na manlalangoy sa mundo. Noong 2008 Olympiks sa Beijing, walong gintong medalya ang nakuha niya. Siya ang nagtala ng rekord sa pinakamaraming gintong medalya sa iisang kompetisyon lamang. Hawak niya rin ang titulo sa pinakamabilis na paglangoy sa butterfly stroke. Sa kagustuhan kong maging katulad niya, ako ay nagsimulang mag-ensayo noong ako ay limang taong gulang pa lang. Siya ang inspirasyon ko sa aking pag-eensayo.
Wednesday, December 12, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment